SA'YO LAMANG
(Words & Music by: Juris Fernandez)

Sa bawat araw na nilikha
Nagtatanong ba't di makita
Ang magpupuno ng ligaya
Ang kapiling kapag nag-iisa
Sa t'wing lungkot ay nagbabanta

Di akalain na ako'y mahalin
Di napansin nang ako ay'yong sagipin
Ng pagibig mong tunay
Nawalay ang lumbay
Ngayong kapiling ka sa buhay

Sa'yo lamang
Panatag ang loob
Sa'yo lamang
umibig ng lubusan
Panalangin ito'y pang habambuhay
Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko'y buo

Di akalain na ako'y mahalin
Di napansin nang ako ay'yong sagipin
Ng pagibig mong tunay
Nawalay ang lumbay
Ngayong kapiling ka sa buhay

Sa'yo lamang
Panatag ang loob
Sa'yo lamang
umibig ng lubusan
Panalangin ito'y pang habambuhay
Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko'y buo

Di ko hinanap
Dumating ang s'yang pangarap
'Wag nang mawalay pa
Tadhanang kay ganda

Sa'yo lamang
Panatag ang loob
Sa'yo lamang
Umibig ng lubusan
Panalangin ito'y panghabambuhay
Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko'y buo...

Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko'y buo...

(www.mympband.com)